Huwag.
Huwag ka muna kumapit.
Pabuhat ka muna sa akin.
Patuloy ko tatahakin
ang mundo na karga ka.
Kakayanin ko ang
init ng araw,
patalim ng buhangin,
lamig ng gabi,
at pagtatangka ng dilim
at pagtatangka ng dilim
para sa'yo.
Karga kita
at ikaw ang
kailangan kong
protektahan.
Saka na.
Saka ka na kumapit ulit
kapag kaya mo na.
Dahil ako,
hindi ako mawawala.
Itaboy man ako ng bagyo
sa piling mo,
haharapin ko ang kidlat,
mamatay lang na hawak
ko ang puso mo.

0 comments:
Post a Comment