Posporo


Ikaw.

Para kang posporong pinili dahil walang lighter. Sinindihan ng mabilisan at sinadyang patayin ng isang iglap. Ang natira lamang sa'yo ay ang katawan mong nahati sa dalawa- ang sunog mong kaluluwa at ang pahapyaw mong dangal.

Ang tanging pinagmamalaki mo na lamang ay ang ilaw na naipasa mo upang maging gabay.

At habang ikaw ay patapon na iniwan sa sahig na 'sing lamig ng gabi, unti-unti mang lumalayo ang bunga ng iyong hinagpis, nasa puso mo pa rin ang lumiliyab na sigla ng pagiging isang posporong nabuhay para sa iba.

0 comments:

Post a Comment